Walang kapaguran si dating MVP Myla Pablo nang humataw ng 23 puntos kabilang ang 22 attacks para manduhan ang Lady Warriors sa pagkopo ng ikaapat na panalo laban sa tatlong kabiguan.
File
Pocari balik sa porma
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naging matatag ang three-time champion Po­cari-Air Force sa huling sandali ng laro upang itakas ang 16-25, 26-24, 18-25, 25-23, 15-13 panalo laban sa BanKo Perlas kagabi sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference na dumayo pa sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

Walang kapaguran si dating MVP Myla Pablo nang humataw ng 23 puntos kabilang ang 22 attacks para manduhan ang Lady Warriors sa pagkopo ng ikaapat na panalo laban sa tatlong kabiguan.

Malakas na suporta din ang ibinigay ni middle blocker Jeanette Panaga na nagdagdag ng anim na attacks, apat na blocks at tatlong aces gayundin ang kapwa middle hitter na si Del Palomata na siyang umiskor ng dalawang hu­ling puntos ng Lady Warriors kabilang ang game-winning tip.

Magandang pambawi ito para sa Pocari-Air Force na umani ng nakapanlulumong 25-18, 20-25, 22-25, 25-20, 9-15 kabiguan sa kamay ng Tacloban Figh­ting Warays noong Sabado.

Nagtamo naman ang Perlas Spikers ng ikala­wang kabiguan para mahulog sa ikalawang puwesto tangan ang 5-2 baraha.

Gitgitan ang laban na nauwi sa ilang pagtatabla sa fifth set.

Huling nagtabla ang laban sa 10-all mula sa running attack ni Perlas Spiker opposite hitter Sue Roces.

Subalit solidong net defense ang inilatag ng Lady Warriors kasama pa ang cross-court attack ni Iari Yongco para makalayo ng bahagya ang kanilang tropa, 14-11.

Dumikit ang BanKo nang pakawalan ni middle blocker Joy Dacoron ang drop shot, 13-14.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ng BanKo  nang maiselyo ni Palomata ang panalo para sa Pocari-Air Force sa pamamagitan ng powerful tip.

BANKO PERLAS PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with