^

PSN Palaro

Akhuetie, Juan GDL bida sa panalo ng Fighting Maroons

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Akhuetie, Juan GDL bida sa panalo ng Fighting Maroons
Umani rin ng career-high 28 puntos, 13 rebounds, dalawang assists at tatlong steals si Akhuetie habang 16 puntos naman mula kay Desiderio para sa Fighting Maroons.
/www.facebook.com/FCFph

MANILA, Philippines — Nagpakawala si Juan Gomez de Liaño ng triple-double habang humataw ng 28 puntos si Bright Akhuetie para sa 94-81 panalo ng University of the Philippines Fighting Maroons laban sa University of the East Red Warriors kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Sa kanyang hataw na 15 puntos, 12 rebounds at 12 assists naging ikatlong manlalaro si Juan GDL na nagposte ng triple-double sa UAAP sa loob ng 15 taon. Ang iba ay sina LA Tenorio at Marvin Cruz.

Bigla na lang nagpaulan ng sunud-sunod na puntos sina Paul Desiderio, Akhuetie at Juan Gomez de Liaño para umangat sa 87-71 kalamangan mula sa 63-60 bentahe pagkatapos ng ikatlong yugto.

Pinalobo pa ni Akhuetie ang kanilang abante sa pinakamalaking 20 puntos, 91-71 mahigit 1:36 na lang ang nalalabi tungo sa pag-akyat sa sosyohan sa pang-limang puwesto kasama ang UST Tigers sa parehong 4-5 record at ibaon ang Red Warriors sa ilalim ng standing sa 1-8 card.

Umani rin ng career-high 28 puntos, 13 rebounds, dalawang assists at tatlong steals si Akhuetie habang 16 puntos naman mula kay Desiderio para sa Fighting Maroons.

Sa unang laro, kumonekta ang rookie na si Dave Ildefonso ng pito sa huling 11 puntos ng National University Bulldogs upang itakas ang 69-61 pana­naig kontra sa University of Santo Tomas Growling Tigers para umangat sa 3-6 win-loss kartada.

Tumapos ang anak ni dating PBA two-time MVP Danny Ildefonso ng 16 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at isang steal para manatiling buhay ang pag-asang pumasok sa Final Four.

Ang Tigers ay bumaba sa 4-5 card.

FILOIL FLYING V

UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with