^

PSN Palaro

Adamson, Ateneo maghihiganti

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson, Ateneo maghihiganti

MANILA, Philippines — Paghihiganti ang ha­ngarin ng Adamson Soa­ring Falcons sa pagharap laban sa La Salle Green Archers habang asam din ng Ateneo Blue Eagles na bumawi  kontra sa Far Eastern University Tamaraws ngayon sa pagpapa­tuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Magtatagpo ang Soa­ring Falcons at Green Archers sa alas-2 ng hapon habang maghaharap naman ang nagdedepensang Blue Eagles at Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Kapwa Blue Eagles at Falcons ay naging biktima sa magkahiwalay na laban sa first round elimination kaya inaasahan ang mainit na pagtatagpo sa top four teams sa standing.

Sa kasalukuyan magkasalo pa rin ang Adamson at Ateneo sa liderato sa parehong 6-2 win-loss kartada kasunod ang Ta­maraws at Green Archers sa parehong 5-3 card at pang-lima ang University of Santo Tomas sa 4-4 slate.

Nagwagi ang Tamaraws kontra sa Blue Eagles, 63-60 sa unang pagtatagpo noong Oktubre 10 kahit wala si Arvin Tolentino dahil sa suspension.

Hindi pa rin makalaro ang top shooter na si Tolentino sa laro ng FEU ngayon dahil sa ipinataw na two-game suspension bunga  ng ikalawang disqualifying foul sa laban nila kontra sa UST noong Oktubre 14.

Ngunit malaki ring kawalan para sa Ateneo ang nangyaring one-gamesuspension na ibinigay ng UAAP kay Thirdy Ravena dahil sa nakitangclosed fist na tumama sa dibdib ni Paul Desiderio sa laro nila labansa UP noong nakaraang Linggo.

vuukle comment

BASKETBALL

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with