^

PSN Palaro

Dyip nakatikim din ng panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip nakatikim din ng panalo
Naitala ng Columbian ang kanilang kauna-una­hang panalo sa season-ending conference habang napigilan naman ang two-game winning run ng Rain or Shine para sa kanilang 2-5 baraha.
PBA MEDIA GROUP

MANILA, Philippines — Nagwakas na ang siyam na sunod na kamalasan ng Columbian.

Ito ay matapos humugot si import Akeem Wright ng 11 sa kanyang 23 points sa fourth quarter para tulu­ngan ang Dyip na saga­saan ang Rain or Shine Elasto Painters, 100-84  sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Naitala ng Columbian ang kanilang kauna-una­hang panalo sa season-ending conference  habang napigilan naman ang two-game winning run ng Rain or Shine para sa kanilang 2-5 baraha.

Tinalo ng Dyip, tinapos ang 25-game losing slump sa season-ending conference, ang Elasto Painters sa ikatlong sunod nilang paghaharap ngayong taon.

“It feels good. We don’t wanna end the season with an 0-11 record,” sabi ni Wright, nagsalpak ng tatlong three-point shots sa fourth quarter para ibigay sa Columbian ang 16-point lead, 86-70, laban sa Rain or Shine sa huling apat na minuto ng laro.

Pinalobo pa ito ng Dyip sa 91-70 matapos ang triple ni Jerramy King sa huling 3:03 minuto ng final canto.

Hindi na ito nagawang putulin ng Elasto Pain­ters, nakahugot kay import Terrence Watson ng 18 points.

Nauna nang kinuha ng Columbian ang 50-39 abante sa halftime hanggang maagaw ng Rain or Shine, nalagay sa pa­nganib ang hangaring tiket sa eight-team quarterfinal round, ang 54-52 bentahe buhat sa basket ni Watson sa 7:59 minuto ng third period.

  

vuukle comment

AKEEM WRIGHT

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with