^

PSN Palaro

Pacquiao si Broner ang lalabanan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao si Broner ang lalabanan
Manny Pacquiao (kaliwa) at Adrien Broner

MANILA, Philippines — Tapos na ang ispekulasyon matapos ihayag ni eight-division world champion Manny Pacquiao na si dating four-division world champion American Adrien Broner ang sunod na makakasagupa nito na gaganapin sa Enero.

Mismong si Pacquiao ang nag-anunsiyo ng ba­gong balita ngunit wala pang eksaktong petsa at lugar kung saan ito idaraos.

Tinitingnan ni Pacman ang Enero 12 o 19 na po­sibleng ganapin sa Las Vegas, Nevada.

“Broner,  Adrien Broner,” ani Pacquiao nang tanu­ngin ito sa kanyang susunod na kalaban.

Gumugulong na ang negosasyon at sinabi ni Pacquiao na 90 porsiyento na ito.

“It is almost final but it is not yet there. Mga 90 percent na,” anang People’s Champion.

Ipagtatanggol ni Pacquiao ang kanyang WBA welterweight belt na na­panalunan nito matapos itarak ang seventh-round technical knockout win kay Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naitanong din ang rematch kay undefeated American Floyd Maywea­ther Jr. ngunit tikom ang bibig nito.

Nais ni Manny  na isentro muna ang atensiyon sa kanyang laban sa Enero.

“I still have a fight in January. Basta laban lang tayo. Floyd Mayweather is coming back, handa lang tayo so we’ll discuss it after the fight in January,” ani Pacquiao.

Sakaling matuloy ang Pacquiao-Mayweather, target ng Pinoy champ na ganapin ito sa Cinco de Mayo (May 5) o sa Hulyo.

“Focus muna ako sa fight ko sa January Kung matuloy man ‘yan (Pacquioa-Mayweather), gusto ko sa Cinco De Mayo or sa July,” ani Pacquiao.

Nauna nang isiniwalat ni Mayweather noong Setyembre na magbabalik ito sa ring para harapin si Pacquiao sa isang rematch.

Pero gusto ni Maywea­ther na dumaan muna sa isang tune-up bout sa Japan bago makasagupa si Pacquiao.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with