Lady Tams nakatakas sa Lady Eagles para sa solo second spot
MANILA, Philippines — Isinalpak ni Valeri Mamaril ang game-winning lay-up para itakas ang Far Eastern University laban sa Ateneo, 73-71, at angkinin ang solo second spot sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Bumangon ang Lady Tamaraws (6-2) mula sa 17-point deficit para resbakan ang Lady Eagles (2-6).
Nangunguna ang Lady Bulldogs ng National University sa bitbit na 7-0 kartada.
Kumolekta si Clare Castro ng 21 points, 10 rebounds at 4 blocks at nagtala sina Mamaril at Fatima Quiapo ng tig-14 markers para sa FEU.
Pinamunuan ni Go ang Ateneo mula sa kanyang 21 points tampok ang 5-of-8 three-point shooting, habang naglista si Trina Guytingco ng 18 points, 8 rebounds, 5 assists at 4 steals.
Samantala, humakot si Anna Requiron ng 22 points 15 rebounds at 5 blocks at nagdagdag si Christine Cortizano ng 21 points at 4 assists sa 86-69 panalo ng 2017 runner-up na University of the East laban sa De La Salle.
- Latest