Ateneo nakalusot sa Tacloban sa PVL
MANILA, Philippines — Muling sinandigan ng Lady Eagles si Kat Tolentino sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Tumapos si Tolentino na may 16 points, kasama rito ang magkasunod na blocks sa fifth set, para ibigay sa Ateneo ang 25-18, 19-25, 11-25, 25-17, 15-11 panalo laban sa Tacloban sa 2018 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ikatlong dikit na arangkada ng Lady Eagles para sa kanilang 5-1 record.
Nagdagdag sina team captain Bea de Leon at Maddie Madayag ng 15 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan naman ni Dimdim Pacres ang Tacloban mula sa kanyang 18 points.
“We have to avoid this kind of scenarios, siguro this is a learning experience pa rin for us,” sabi ni head coach Oliver Almadro sa kanyang Ateneo.
- Latest