^

PSN Palaro

Alaska may misyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alaska may misyon
“We like to be married in­to those top four spots,” sa­bi ni Compton sa pagsa­gupa ng Aces laban sa Co­­lumbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pa­­say City.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Alaska vs Columbian

7 p.m. Rain or Shine vs NorthPort

MANILA, Philippines — Inamin ni Alaska coach Alex Compton na wala siyang ibang inisip kundi ang makapasok sa Top Four.

“We like to be married in­to those top four spots,” sa­bi ni Compton sa pagsa­gupa ng Aces laban sa Co­­lumbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pa­­say City.

Bakit nga ba hindi pu­pun­­tiryahin ni Compton ang Top Four.

Sa tournament format, ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkaka­sunod, sa quarterfinals.

Nagmula ang Alaska sa 73-83 pagkatalo sa Magnolia noong Linggo, habang hangad ng Columbian na mailista ang kauna-unahan nilang panalo sa tor­neo.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay hangad naman ng NorthPort ang ka­nilang ikatlong sunod na ratsada sa pagsagupa sa Rain or Shine.

“We are learning how to execute and find the open guy. It’s been working in the last two games. Hopefully, it carries through,” sabi ni veteran forward Sean Anthony matapos ang 99-94 panalo ng Batang Pier kontra sa Meralco Bolts at 118-101 tagumpay kontra sa Dyip sa huli nilang dalawang laro.

Samantala, pinatawan ng PBA sina Kevin Murphy (P5,000) ng San Miguel dahil sa flagrant foul penalty 1 kay Calvin Abueva ng Phoenix at Henry Walker (P21,600) ng Blackwater sa paghahagis ng kanyang mouth guard kay referee Ni­ño Cortez at technical foul.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with