BanKo itataya ang record laban sa Creamline
Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
4 p.m. – Ateneo vs Tacloban
6 p.m. – BanKo-Perlas vs Creamline
MANILA, Philippines — Ang ikaanim na sunod na panalo ang puntirya ng BanKo Perlas para mapatatag ang solong pamumuno sa pagsagupa sa reigning Reinforced Conference titlist Creamline sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Lalarga ang paluan ng Perlas Spikers at Cool Smashers ngayong alas-6 ng gabi matapos ang duwelo ng Ateneo at Tacloban sa alas-2.
Nangunguna ang BanKo Perlas tangan ang 5-0 record kung saan nagtala sila ng sweep kontra sa Lady Eagles at pare-parehong 3-1 panalo laban sa Iriga-Navy Lady Oragons, PetroGazz Angels, Adamson-Akari Lady Falcons at Tacloban Fighting Warays.
Sasandalan ng Perlas Spikers si Dzi Gervacio na may average na 18.5 points sa kanilang huling dalawang laro.
Malalim ang bench ng BanKo Perlas dahil nariyan sina UP stalwarts Nicole Tiamzon at Kathy Bersola, Adamson standouts Amanda Villanueva at Joy Dacoron at setters Jem Ferrer at Fenela Emnas.
Ngunit haharap ang Perlas Spikers sa Cool Smashers na nakasakay din sa four-game winning streak kabilang ang five-set win sa three-time PVL champion Pocari-Air Force.
Kasalukuyang nasa No. 2 ang Cool Smashers kasalo ang Lady Eagles hawak ang magkatulad na 4-1 marka.
Nangunguna sa attack line si Alyssa Valdez na siyang pangunahing pinagkukunan ng puntos ng Cool Smashers.
- Latest