Tagle, Saso at Corpus bigo sa YOG
BUENOS AIRES — Ang silver medal lamang ni Fil-Norwegian kiteboarder Christian Tio ang maiuuwi ng Philippine delegation mula sa 2018 Youth Olympic Games dito.
Hindi ito naduplika nina Pinay archer Nicole Tagle at golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus sa pagtatapos ng kampanya ng bansa.
Natalo si Tagle kay Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain sa round-of-16.
Nagtala naman sina Saso at Corpus ng eight-over 148 sa final day at nabigong makapasok sa medal race matapos ang tatlong rounds sa mixed team event sa Hurlingham Club.
Tumapos ang Team Philippines sa ika-69 posisyon mula sa kabuuang 206 bansang lumahok sa quadrennial event.
Si archer Gab Moreno ang nagbigay sa bansa ng unang gold medal sa YOG matapos maghari sa mixed international event katambal si Li Jiaman ng China noong 2014.
- Latest