^

PSN Palaro

Pinoy Kiteboarder kumuha ng Silver

Pilipino Star Ngayon
Pinoy Kiteboarder kumuha ng Silver
Si Pinoy kiteboarder Christian Tio (kanan) kasama sina Deury Corniel ng Dominican Republic (gitna) at Toni Vodisek ng Slovenia (kaliwa).

BUENOS AIRES — Hindi na uuwing luhaan ang Team Philippines.

Ito ay matapos angkinin ni Christian Tio ang silver me­dal sa kiteboarding competition ng 2018 Youth Olympic Games dito.

“My mindset was just to go for it and enjoy,’’ sabi ng 17-anyos na Fil-Norwe­gian. “Thank you for everyone who supported me, gi­ving all the love.’’

Pumangalawa si Tio sa final race ng men’s kiteboarding noong Linggo mula sa ikaapat na posisyon isang araw bago ang kanyang silver performance sa Club Nautico San Isidro.

Sa katunayan ay nag­­tabla sina Tio at Toni Vo­­di­sek ng Slovenia sa ikalawang puwesto, ha­bang si Deury Corniel ng Dominican Republic ang kumuha sa gold medal nang ipanalo ang tatlo sa anim na karera bago ang fi­nal race.

Ilang beses kinansela ang karera dahil sa mala­kas na hangin.

Dalawang buwan nag­sanay si Tio -- tig-apat na linggo sa Dominican Re­public at Buenos Aires -- pa­ra makondisyon ang kan­yang katawan.

“I didn’t suffer from jetlag. I was fully rested after arriving here early,’’ wika ni Tio na sabik nang umuwi sa Pilipinas.

Samantala, natalo naman sina Pinay archer Nicole Marie Tagle at Hendrik Oun ng Estonia kina New Zealand bet Rebecca Jones at Chihchun Tang ng Chinese Taipei, 5-1, sa mixed international event sa Parque Sarmiento ar­che­ry range.

May tsansa pa ang 17-anyos na pambato ng Dumaguete City na ma­ka­ku­ha ng medalya sa pagsa­gupa niya kay Alys­sia Tromans-Ansell ng Great Britain sa round of 16 wo­men’s individual recurve bukas.

Sa golf, humataw naman sina Fil-Japanese Yu­­­ka Saso, ang 2018 Asian Games double-gold meda­l winner, at Carl Janno Corpus ng five-over 75 para sa 18th place sa mixed team event na pi­na­mu­nuan nina Atthaya Thitikul at Vanchai Luangni­tikul ng Thailand sa final round.

vuukle comment

CHRISTIAN TIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with