Abueva pinagmulta ng P10K ng PBA
MANILA, Philippines — Ang pagpapakita lamang ng ‘dirty finger’ ni Calvin Abueva ang pinagbasehan ng pagpataw ng PBA Commisisoner’s Office ng multang P10,000 sa Phoenix small forward kahapon.
Hindi kasama dito ang nangyaring pisikalan nila ni San Miguel import Kevin Murphy noong Biyernes sa 2018 PBA Governor’s Cup.
Pinatawan ng PBA si Abueva ng multang P4,000 dahil sa pagpapakita nito ng ‘dirty finger’ sa 123-97 panalo ng Fuel Masters laban sa NLEX Road Warriors noong Oktubre 10 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang P6,000 namang multa ay dahil sa nasabi ring ‘dirty finger’ sa 117-100 pananaig ng Beermen noong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa third period ng naturang laro ay sinakal ni Murphy sa pamamagitan ng kanyang braso si Abueva na nagresulta sa itinawag na flagrant foul penalty 1 ng San Miguel reinforcement.
“I was really just trying to hold him up,” ani Murphy. “It just so happened that my arm was around his neck. But I didn’t choke him. I was just holding him.
- Latest