Planning session binuksan ng PSC
MANILA, Philippines — Sinimulan kahapon ng Philippine Sports Commission ang kanilang three-day Strategic Planning Workshop para sa 2019.
Pinamunuan ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang unang araw ng planning session kasama sina PSC Commissioners Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Charles Maxey.
Sinabi ni Ramirez na gusto nilang malaman ang direksyon ng Philippine sports sa ilalim ng kanilang pamumuno.
“We are constantly doing this to evaluate our leadership in Philippine sports, as well as areas where we need to progress to be able to serve the public better,” wika ni Ramirez sa kanyang welcome speech.
Plano ng PSC na magbalangkas ng isang national framework para sa grassroots sports development sa susunod na taon.
Ito ang magpapalakas sa pagtukoy sa mga batang atleta katuwang ang Department of Education, Department of Interior and Local Government at mga National Sports Associations.
- Latest