^

PSN Palaro

Respetadong pagtatapos asam ng apat na koponan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Respetadong pagtatapos asam ng apat na koponan
Magtutuos ang College of Saint Benilde at Jo­se Rizal University sa alas-2 na susundan ng engkuwentro ng Arellano Uni­ver­sity at Mapua University sa alas-4.
File Photo

Laro Ngayon(The Arena, San Juan City)

2 p.m. CSB vs JRU (srs)

4 p.m.- AU vs MU (srs)

MANILA, Philippines — Magandang pagtatapos sa kampanya ang pare-parehong tatangkain ng apat na koponang mag­babakbakan ngayong ha­pon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s bas­ketball tournament sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Magtutuos ang College of Saint Benilde at Jo­se Rizal University sa alas-2 na susundan ng engkuwentro ng Arellano Uni­ver­sity at Mapua University sa alas-4.

Nasa ikalimang puwes­to ang Blazers na may 8-8 mar­ka sa likod ng mga se­­mifina­lists na San Beda Uni­­versity (15-1), Lyceum of the Philip­pines (15-2), Co­legio de San Juan de Letran (13-4) at University of Perpetual Help System Dalta (11-6).

Ngunit may tsansang ma­kapasok sa Final Four ang Benilde sakaling ma-for­feit ang lahat ng la­ro ng Per­petual Help da­hil kasalu­kuyang nag-iim­bestiga ang NCAA Ma­nagement Committee sa eli­gibility issue ng apat na man­lalaro ng Altas.

Nais ng Blazers na ma­kabangon mula sa three-game losing skid kabilang ang 64-77 kabiguan sa Pi­rates noong nakaraang linggo.

Ibabandera ng St. Benilde si Clement Leutcheu na nagsumite ng double-double output na 11 points at 11 rebounds kontra sa Lyceum, habang inaasa­hang puputok din si Justin Gutang na naglista naman ng 13 markers at pitong boards sa naturang laro.

Sa kabilang banda, pa­kay din ng Jose Rizal na mag­karoon ng magarbong exit ang kanilang tropa.

Nasa ilalim ng stan­dings ang Heavy Bombers tangan ang 3-14 marka.

Nakuha ng Jose Rizal ang ikatlong panalo nito ma­­tapos pasukuin ang Emil­io Aguinaldo College sa bendisyon ng 81-78 de­­sisyon.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BAS­KETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with