^

Team Phl impresibo sa Asian Para Games

(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ito na ang pinakama­gan­dang ipinakita ng Philippine Team sa Asian Para Games.

Kumolekta ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 10 golds, 8 silvers at 11 bron­zes para tumapos sa No. 11 sa overall team stan­dings sa quadrennial event na idinaos sa Jakarta, In­­do­­nesia.

Sa nakaraang edisyon ng Asiad Para Games ay nag-uwi lamang ang Philippine delegation ng limang p­i­lak at limang tansong me­­dalya noong 2014 sa In­cheon, South Korea.

Hinirang sina swimmer Er­nie Gawilan at chesser San­der Severino bilang best performing Filipino ath­letes sa katatapos na 3rd Asian Para Games.

Sumikwat si Gawilan ng tatlong gold at dalawang silver medals, habang nagsulong si Severino ng apat na ginto.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ra­mirez na tatanggap sina Ga­wilan, Severino at iba pang Filipino medalist ng in­sentibong P1 milyon para sa gold, P500,000 para sa silver at P200,000 para sa bronze medal.

“I am jubilant on the Pa­ra Games Philippines per­formances. In behalf of the PSC, congratulations to our team for making the country proud,” wika ni Ramirez sa mga Pinoy Pa­ra Gamers.

Nakatakdang tumanggap si Gawilan ng cash in­centive na P4 milyon at magbubulsa naman si Se­verino ng P2.66 milyon sa pinakamakasaysayang kampanya ng Team Philippines.a

ASIAN PARA GAMES PHILIPPINE TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with