Kumuha ng malakas na puwersa ang Perlas Spi­kers mula kay dating Ateneo de Manila University ace Dzi Gervacio na pumalo ng 23 puntos na nabuo mula sa 20 attacks, dalawang blocks at isang ace para buhatin ang Perlas Spikers sa ikalimang sunod na panalo at patatagin ang kapit sa solong pamumuno.
Perlas Spikers matikas pa rin sa itaas
(Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang makapigil sa BanKo Perlas nang ipako nito ang 25-21, 23-25, 29-27, 25-18 desisyon laban sa Tacloban para mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ng malakas na puwersa ang Perlas Spi­kers mula kay dating Ateneo de Manila University ace Dzi Gervacio na pumalo ng 23 puntos na nabuo mula sa 20 attacks, dalawang blocks at isang ace para buhatin ang Perlas Spikers sa ikalimang sunod na panalo at patatagin ang kapit sa solong pamumuno.

Nagawang rumatsada ng Fighting Warays sa third set matapos dalhin ang laro sa ilang set point.

Subalit hindi bumitaw ang Perlas Spikers nang manduhan nina Gervacio at Nicole Tiamzon ang attack line para makuha ang naturang set.

“We just huddled and regrouped. Sabi namin kailangan hindi na namin palagpasin. We did it before na we had a comeback set so sabi namin na we just need to do what we did last time,” ani Gervacio.

Ito ang ikatlong  laro ng Perlas Spikers sa limang araw.

Ngunit hindi naaninag ang pagod matapos maglatag ang buong tropa ng matatalim na atake mula kina Gervacio at Tiamzon gayundin kina middle hitters Amy Ahomiro at Joy Dacoron at veteran opposite hitter Sue Roces.

Nagtamo ang Fighting Warays ng ikatlong talo sa limang pagsalang. (CCo)

BANKO PERLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with