Lalarga ang Perlas Spikers laban sa Fighting Warays sa alas-4 ng hapon habang magtutuos naman ang crowd-favorite Creamline at Adamson University sa alas-6 ng gabi.
Joey Mendoza/File
Perlas Spikers puntirya ang ika-5 vs Warays
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon (The Arena)

4 p.m.  Tacloban vs BanKo-Perlas

6 p.m. Adamson-Akari vs Creamline

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng BanKo Perlas ang dominasyon nito sa pagharap sa Tacloban sa  Premier Vol­leyball League Season 2 Open Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang Perlas Spikers laban sa Fighting Warays sa alas-4 ng hapon habang magtutuos naman ang crowd-favorite Creamline at Adamson University sa alas-6 ng gabi.

Matayog ang lipad ng BanKo Perlas na nakasa­kay sa malinis na 4-0 baraha para okupahan ang solong pamumuno.

Galing ang Perlas Spi­kers sa 27-25, 25-19, 25-11 panalo kontra sa Ateneo de Manila University kung saan bumida sina dating University of the Philippines ace Nicole Tiamzon at A­teneo de Manila University star Dzi Gervacio.

Matapos malimitahan sa anim na puntos sa 25-20, 19-25, 25-22, 25-16 panalo ng Perlas Spikers sa Lady Falcons, bumawi si Tiamzon kontra sa Lady Eagles nang magtarak ito ng 17 puntos kabilang ang 12 attacks.

Nagsumite naman si Gervacio ng 14 hits habang may 11 markers si Kat Bersola para sa solidong ratsada ng Perlas Spikers.

Kaya naman mataas ang moral ng BanKo Perlas na galing din sa third-place finish sa Vinh Long Cup sa Vietnam.

Sa kabilang banda, umaasa ang Fighting Warays na makakabalik agad ito sa porma matapos lumasap ng 15-25, 21-25, 15-25 kabiguan sa Cool Smashers noong nakaraang linggo.

Nakahimpil ang Tacloban sa ikalimang puwesto hawak ang 2-2 marka.

Magtutulung-tulong sina Jovielyn Prado, Hea­ther Guino-o, Andrea Mar­zan at Mary Anne Esguerra para makabawi ang kanilang tropa.

Walang nakakuha ng double digits sa kanilang huling laro matapos malimitahan sa pito sina Prado at Guino-o at tigatlo naman sina Marzan at Esguerra.   

BANKO PERLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with