Sumandal ang Perlas Spikers sa karanasan para pigilan ang anumang pagtatangka ng Lady Eagles at masungkit ang kanilang ika­apat na sunod na pa­na­lo sa torneo.
facebook
BanKo Perlas Spikers inilaglag ang Lady Eagles
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na nasawata ng BanKo Perlas ang Ateneo de Manila University, 27-25, 25-19, 25-11, para manatili sa tuktok ng standings sa Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Perlas Spikers sa karanasan para pigilan ang anumang pagtatangka ng Lady Eagles at masungkit ang kanilang ika­apat na sunod na pa­na­lo sa torneo.

Umariba nang husto si outside hitter Nicole Tiamzon tangan ang 17 puntos buhat sa 12 attacks, apat na blocks at isang ace para manduhan ang atake ng Perlas Spikers.

“Knowing Ateneo, hindi naman agad magpapatalo iyan. Walang team na gustong matalo so kailangan talaga namin silang dikitan at mas higit ‘yung mga ginagawa namin,” wika ni Tiamzon.

Naputol ang two-game winning streak ng Lady Eagles para mahulog sa 2-1 baraha.

Matapos ang gitgitang first at second sets ay uma­lagwa ang Perlas Spikers nang ilatag ang 13-2 kalamangan sa third frame sa likod ng matikas na opensa nina Tiamzon at Dzi Gervacio.

BANKO PERLAS PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with