^

PSN Palaro

Altas, Knights pinatibay ang kapit sa F4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas, Knights pinatibay ang kapit sa F4
Nakakuha ng foul si Kim Aurin (35) ng Perpetual Help sa tangkang pagsupalpal nina JR Aguilar (6) at John Santos (10) ng JRU sa NCAA Season 94.

Laro Bukas  (The Arena)

2 p.m. LPU vs AU (Srs)

4 p.m. SSCR vs SBC (Srs)

MANILA, Philippines — Matapos dungisan ang Lyceum, tuloy ang pana­nalasa ng University of Perpetual Help System Dalta nang iselyo nito ang 85-73 panalo laban sa Jose Rizal University para makisosyo sa ikaapat na puwesto sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bida sa pagkakataong ito si Jeffrey Coronel na umukit ng double-double showing na 22 points at 11 rebounds habang ma­ningning din si Jelo Razon na umani ng 21 markers, limang boards at isang steal para hatakin ang Altas sa 8-5 baraha.

Sinaluhan ng Perpetual Help ang College of Saint Benilde na may katulad na record.

Hataw din si Cameroonian Prince Eze ng sariling double-double na 16 points at 13 rebounds habang may tig-lima sina Kim Aurn at Kyt Jimenez na naiambag para sa Perpetual Help na bukod-tanging koponang tumalo sa dating malinis na rekord ng Lyceum.

Nakipagsabayan sina Jed Mendoza at Leo Esguerra na may pinagsamang 41 puntos para sa Heavy Bombers.

Subalit kapos pa rin ito para tuluyang mahulog ang Jose Rizal sa 2-12 marka.

Sa unang laro, humugot ng malakas na suporta ang Colegio de San Juan de Letran sa bench players nito para itakas ang 91-82 panalo laban sa EAC  para mapatatag ang kapit sa No. 3 spot.

Nakakuha ang Knights ng 44 puntos mula sa bench kabilang ang 15 ga­ling kay Jeremiah Taladua at 13 buhat kay Fran Yu para masungkit ang ikasiyam na panalo sa 13 laro.

 Nagtala rin ng career-high 15 points si Nico Galvelo na siyang humalili sa naiwang puwesto ni Jerrick Balanza na sumailalim sa operasyon dahil sa brain tumor.

Hindi pa rin makaporma ang Generals na nalaglag sa 2-11.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with