^

PSN Palaro

Pocari, PetroGazz babangon agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pocari, PetroGazz babangon agad
Asahan ang eksplosibong aksiyon sa oras na magtuos ang Pocari-Air Force at PetroGazz sa alas-6 ng gabi na parehong nagnanais na makabalik sa porma.
Jun Mendoza/File

Laro Ngayon(Malolos Sports & Convention Center)

4 p.m.  Iriga-Navy vs Tacloban

6 p.m. Pocari-Air Force vs PetroGazz

MANILA, Philippines — Pakay ng three-time champion Pocari-Air Force at PetroGazz na makaresbak mula sa kabiguan sa kanilang engkuwentro sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Open Conference na magtutungo sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Asahan ang eksplosibong aksiyon sa oras na magtuos ang Pocari-Air Force at PetroGazz sa alas-6 ng gabi na parehong nagnanais na makabalik sa porma.

Nagmula ang Lady Warriors sa masaklap na 23-25, 25-17, 20-25, 28-30 kabiguan sa Ateneo de Manila University para mahulog sa 0-1 panimula.

Tumupi naman ang Gazz Angels sa BanKo Perlas Spikers, 22-25, 17-25, 25-22, 17-25 sa kanilang huling laro na ginanap sa Imus, Cavite tungo sa 1-1 marka.

Gumawa si power-hitting outside spiker Myla Pablo ng conference-best 30 points sa naturang kabiguan subalit bigo itong makakuha ng solidong suporta mula sa kanyang mga katropa.

Mangangailangan si Pablo ng tulong mula kina middle blockers Dell Palomata at Jeanette Panaga gayundin sina opposite spiker Iari Yongco, wing spiker Elaine Kasilag at playmaker Wendy Anne Semana.

Sa kabilang banda, umaasa rin ang Gazz Angels na magbabalik ang bangis ng kanilang tropa gaya nang ginawa nitong 25-22, 25-14, 26-24 demolisyon sa Tacloban Fighting Warays sa kanilang unang laro.

Mag-uunahan naman ang Iriga-Navy at Tacloban na makuha ang unang panalo sa kanilang bakbakan sa alas-4.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with