2,000 jins sisipa sa inter-school taekwondo tourney
MANILA, Philippines — Humigit-kumulang sa 2,000 atleta ang inaasahang sasabak sa 2018 SMART/MVP Sports Foundation National Inter-School taekwondo Championships na nakatakda sa Setyembre 29-30 sa Rizal Memorial Basketball Stadium.
Ang mga kompetisyong inilatag ay sa kyorugi (free sparring) para sa male at female Novice at Advance athletes sa seniors, juniors, Cadet at grade school categories at poomsae (forms) para sa mga colored at blackbelt students sa individual, pair at team events.
Ang poomsae ay ginagawa sa isang sistematikong oras ng paggalaw sa magkakasabay na pagkilos laban sa isang imaginary opponent/s.
Ginagamit ng atleta ang kanyang mga kamay, paa at mga interconnected techniques kagaya ng blocking, punching, striking, thrusting at kicking.
Ang malimit na pagsasanay ng poomsae ang tumutulong sa flexibility at control sa breathing, balance, power, eye focus at mental discipline.
Lalahok ang lahat ng paaralang kaanib sa Philippine Taekwondo Association kagaya ng Ateneo, UST, St. Paul Pasig, Diliman Preparatory School, Mary Hill School, Emilio Aguinaldo College, Montessori Integrated School, La Salle, UE, NU, Philippine Science High, School of Holy Spirit, UP Diliman, DLSU-Araneta, Pamantasang Lungsod ng Valenzuela at iba pa sa Visayas at Mindanao Regions.
Magsisimula ang mga labanan sa alas-9 ng umaga.
- Latest