Pacquiao-Mayweather 2 tuloy--Floyd Sr.
MANILA, Philippines — Naniniwala si Floyd Mayweather Sr. na malaki ang tsansa na matuloy ang muling pakikipagtuos ni Floyd Mayweather Jr. kay eight-division world champion Manny Pacquiao.
Sinabi ni Mayweather Sr. na may isang salita ang kanyang anak kaya’t malinaw na matutuloy ang Pacquiao-Mayweather rematch.
“If Floyd said it’s going to happen, it’s going to happen,” ani Mayweather Sr. sa panayam ng Fight Hype.
Suportado rin ng tatay ang planong tuneup bout ni Mayweather Jr. para matiyak na handang-handa ito bago sumabak kay Pacquiao.
“I don’t know what he’s going to do but I think that wound be a good idea too (to have a tuneup fight),” aniya.
Nagbigay din ito ng babala dahil sigurado aniyang pahihirapan ng kanyang anak si Pacquiao sa oras na muling magkrus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.
“I can probably tell you the only difference will be he’s (Pacquiao) probably going to get more bumps on his head. That’s about it. That man can’t do nothing man. That (first fight with Pacquiao) was an easy fight for Floyd,” ani Mayweather Sr.
Hindi na bata sina Mayweather Jr. at Pacquiao ngunit alam ni Mayweather Sr. na mananatiling kapana-panabik ang laban ng dalawa.
Nakatakdang magdiwang ng ika-40 kaarawan si Pacquiao sa Disyembre habang 42 na si Mayweather sa Pebrero 24.
Usap-usapan na gumugulong na ang negosasyon para maisakatuparan ang rematch. (CCo)
- Latest