^

PSN Palaro

Adamson ‘di kinaya ng UST

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson �di kinaya ng UST
Tinaasan ng kamay ni Germy Mahinay ng UST si Papi Sarr ng Adamson sa aksyong ito sa UAAP.
Joey Mendoza

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center, San Juan City)

 1 p.m. UP vs  FEU  (M)

4 p.m.  UE  vs  DLSU  (M)

MANILA, Philippines — Patuloy ang dominas­yon ng Adamson Soa­ring Falcons para angkinin ang  79-71 panalo laban sa UST Growling Tigers upang itala ang ikatlong sunod na pa­nalo kahapon sa pagpapa­tuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Sa mahigpit na depen­sa, pinuwersa ng Soa­ring Falcons ang Growling Tigers na makagawa ng kabuuang 27 turnovers na kanila ring naikonbert sa 28 puntos upang ma­panatili sa kanilang kamay ang solo top spot at mapalawig ang magandang simula sa tatlong laro, ang kanilang pinaka-best start mula noong 2003.

Hindi na nag-aksaya ng oras ang tropa ni coach Franz Pumaren at pinilit nilang makakuha ng mahigit 17 errors mula sa Growling Tigers na bumaba sa 1-2 win-loss kartada.

Umarangkada sina Jerrick Ahanmisi at Kristian Bernardo ng 16-8 run para sa Soaring Falcons upang iposte ang 61-56 bentahe sa ikatlong yugto.

Sa jump shot ni rookie guard Jerom Lastimosa umabot na sa pitong puntos ang kalamangan ng Falcons, 76-69 mahigit 50 segundo na lang ang nalalabi sa laro.

Umiskor si Ahanmisi ng team-high 20 puntos habang 15 naman mula kay Vince Magbuhos at 12 kay Jonathan Espeleta para sa San Marcelino-based Adamson.

“One thing I could say, my bench players proved that they too can deliver and capable of stepping up. Papi (Sarr) is not 100 percent, he just played through, same thing with Sean (Manganti), but ins­pite of them having a bad night, I think this is a game that we were able to prove ourselves that we can play as a team and survive,” sabi ni coach Pumaren.

Si Kristian Bernardo ay tumulong din ng pitong puntos na may kasamang walong rebounds, tatlong steals at dalawang blocks, ngunit si Sarr ay tumapos lamang ng apat na puntos.

Pinangunahan ni roo­kie CJ Cansino ang Tigers sa kanyang 18 puntos, limang rebounds at dalawang assists at 16 naman mula kay Marvin Lee.

Sa ikalawang laro, hin­di rin nagpahuli ang nag­­dedepensang Ateneo Blue Eagles matapos tambakan ang National University Bulldogs, 72-46 para umangat sa solo second spot  sa 2-1 win-loss record.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with