^

PSN Palaro

SMB balik sa porma

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SMB balik sa porma
Mala-import ang inilaro nina Arwind Santos at Marcio Lassiter para banderahan ang Beermen sa pagkopo ng ikalawang panalo sa tatlong pagsalang.
PBA images

Tinambakan ang Columbian Dyip

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel Beer ang 143-119 panalo laban sa Columbian Dyip upang matamis na ma­kabalik sa porma sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mala-import ang inilaro nina Arwind Santos at Marcio Lassiter para banderahan ang Beermen sa pagkopo ng ikalawang panalo sa tatlong pagsalang.

Bumanat si Santos ng 29 puntos mula sa 11-of-19 shooting clip, limang rebounds at apat na blocks samantalang kumana naman si Lassiter ng 28 puntos, pitong assists at dalawang boards.

Naramdaman din si Christian Standhardinger na may 21 puntos at siyam na rebounds para magarbong rumesbak ang Beermen mula sa kanilang 100-103 kabiguan sa Blackwater noong Setyembre 5.

Hindi man solong na­dala ni import Arizona Reid ang laro gumawa pa rin ito ng triple-double output na 16 points, 17 rebounds at 11 assists at anim na steals.

Maliban kina Santos, Lassiter, Standhardinger at Reid, tatlong miyembro pa ng Beermen ang nagsumite ng double digits.

Nagbigay ng suporta sina Kelly Nabong, Alex Cabagnot at Von Pessumal na may 14, 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Bigong makaarangkada ang Columbian Dyip na lumasap ng ikaanim na sunod na pagkatalo para malugmok sa ilalim ng standings.

Nasayang ang double-double na 28 points at 10 boards ni Jackson Corpuz para sa Columbian Dyip.

Samantala, pormal nang itinalaga ng TNT management si assistant Bong Ravena bilang head coach ng Katropa.

Mananatili sa coaching staff si interim coach Eric Gonzales bilang isa sa mga deputies ni Ravena.

Si Gonzales ang hu­malili kay Nash Racela nang mag-file ang huli ng indefinite leave.

Unang masusubukan ang tikas ni Ravena sa pagsabak ng TNT  sa Rain or Shine ngayon sa Iloilo.

vuukle comment

COLUMBIAN DYIP

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with