^

PSN Palaro

Adamson tangka ang ika-3 dikit

Pilipino Star Ngayon
Adamson tangka ang ika-3 dikit

MANILA, Philippines — Asam ng Adamson na palawakin sa tatlo ang magandang simula sa pagharap kontra sa UST   habang magtatagpo naman ang Ateneo at Natio­nal University ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Soa­ring Falcons ang Growling Tigers sa alas-2 ng hapon at susundan agad ng labanan ng nagdedepensang Blue Eagles at Bulldogs sa alas-4 ng hapon.

Matapos pataubin ang UE Red Warriors (90-76) noong Miyerkules, ma­lakas ang tiwala ng Soaring Falcons na makamit ang ikat­long sunod na panalo at manatili sa solo top spot sa standings.

Ang unang panalo ng tropa ni coach Franz Pu­maren ay sa Blue E­agles, 74-70 noong Sept. 9 kung saan humataw si Jerrick Ahanmisi ng 23 puntos at apat na rebounds habang si Vince Magbuhos ay umani ng sampu at siyam na rebounds at walong puntos at 11 rebounds naman mula kay Papi Sarr.

Sa malaking panalo, ins­pirado ang buong koponan kaya umarangkada si Sean Manganti ng 27 puntos para pangunahan ang panalo laban sa Red Warriors. Bukod kay Ma­nganti, umani rin ng 17 puntos  si Ahanmisi at 15 marker mula kay Sarr.

Ngunit, inaasahang iba ang magiging takbo ng laro sa pagtatagpo nila ng Growling Tigers na galing din sa 76-74 panalo laban sa FEU Tamaraws noong Sept. 12 upang makabawi sa 70-75 talo sa NU Bulldogs noong Sept. 8. (FC)

vuukle comment

SEASON 81 UAAP BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with