^

PSN Palaro

Simula na ang paluan sa PVL Open Conference

Pilipino Star Ngayon
Simula na ang paluan sa PVL Open Conference
Apat na koponan ang magtatangkang makuha ang pambuenamanong panalo kung saan lalarga ang iringan ng Tacloban At Petro Gazz sa alas-4 habang hahataw din ang engkuwentro ng Iriga-Navy at BanKo Perlas sa alas-6 ng gabi.

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding pukpukan tampok ang pinakamahuhusay na volleyball players sa bansa sa pag-arangkada ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Apat na koponan ang magtatangkang makuha ang pambuenamanong panalo kung saan lalarga ang iringan ng Tacloban At Petro Gazz sa alas-4 habang hahataw din ang engkuwentro ng Iriga-Navy at BanKo Perlas sa alas-6 ng gabi.

Hangad ng Tacloban Fighting Warays na makabawi sa pagkakataong ito matapos ang last place finish sa Reinforced Conference noong Hulyo.

Raratsada para sa Fighting Warays sina NCAA MVP Shola Alvarez, Kyle Negrito, Jovielyn Prado at Judith Abil na pare-parehong beterano na sa liga.

Aariba rin ang Petro Gazz Angels sa pangu­nguna ni team captain Steph Mercado.

Ilang bagong mukha ang nadagdag sa Gazz Angels gaya nina Jessey de Leon at Marites Pablo para samahan sina Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Cherry Nunag, Alyssa Layug at veteran setters Djanel Cheng at Relea Saet.

Sa kabilang banda, puntirya ng Perlas Spikers na makakuha ng panalo bago sumabak sa Vin Lonh Tournament sa Vietnam na tatakbo mula sa Sept. 28 hanggang Oct. 3. (CCo)

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with