_ngayon
^
Floyd sasalang muna sa tune-up fight  sa Japan bago kumasa kay Pacquiao
Floyd Mayweather

Floyd sasalang muna sa tune-up fight sa Japan bago kumasa kay Pacquiao

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang MMA fighter o isang kickboxer ang ma­aaring labanan ni Floyd Mayweather  Jr. sa kanyang comeback fight bago sagupain si Manny Pacquiao sa isang rematch.

Ito ang inihayag ng 41-anyos na American world five-division titlist sa isang video sa TMZ Sports kahapon.

“I know everybody’s heard about the Maywea­ther-Pacquiao fight, but before the Mayweather-Pacquiao rematch, I will be back in Tokyo for a huge boxing event. Stay tuned,” sabi ni Mayweather.

Plano ni Mayweather na magtakda ng isang tune-up fight sa Tokyo, Japan sa Disyembre bago muling harapin ang 39-an­yos na si Pacquiao sa susunod na taon.

Ito ay para muling ibalik sa magandang kondisyon ang kanyang katawan bago makipagtuos sa Filipino world eight-division champion sa ikalawang pagkakataon.

Huling lumaban si Mayweather noong Agosto ng 2017 kung saan tinalo niya  si UFC superstar Conor McGregor via tenth-round TKO.

Sa kanilang unang bakbakan noong Mayo ng 2015 ay tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamamagitan ng isang unanimous decision victory kasunod ang pagdadahilan ng Filipino boxing icon na mayroon siyang right shoulder injury.

Sinabi ni Mayweather na inaasahan niyang wala nang magiging dahilan si Pacquiao anuman ang ma­ging resulta ng kanilang rematch.

Sa kanilang pagkikita sa isang music festival sa Tokyo ay pinag-usapan nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0-0, 27 KOs) ang kanilang rematch.

Determinado si Mayweather na agawin kay Pacquiao ang hawak nitong World Boxing Association welterweight belt na inagaw ni ‘Pacman’ kay Lucas Matthysse ng Argentina via seventh-round TKO noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Wala namang balak si Pacquiao, sisimulan ang light training sa pagtatapos ng Setyembre, na isuko kay Mayweather ang kanyang WBA crown.

FLOYD MAYWEATHER JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with