^

PSN Palaro

Betting line sa Pac-Floyd 2 bukas na

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Betting line sa Pac-Floyd 2 bukas na
Sa Bovada sportsbook, si Pacquiao ay tatayong +180 underdog na na­ngangahulugan ng maibubulsang $180 sa itatayang $100 habang tataya kay Mayweather (-230) ng $230 ay mananalo lamang ng $100.

MANILA, Philippines — Maagang nagbukas ang betting line para sa pinaplantsang rematch nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at American world five-division titlist Floyd Mayweather Jr.

 Sa Bovada sportsbook, si Pacquiao ay tatayong +180 underdog na na­ngangahulugan ng maibubulsang $180 sa itatayang $100 habang tataya kay Mayweather (-230) ng $230 ay mananalo lamang ng $100.

Sinabi ni Bovada sports­book manager Kevin Bradley na mas paborito ng mga oddsmakers na manalo si Pacquiao kontra kay Mayweather.

“We had discussed making him a bigger favorite, but Pacquiao has a significant bettor following and other players would not bet on Mayweather because they just do not like him,”  wika ni Bradley sa panayam ng Forbes.

 Nagkita ang 39-anyos na si Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at ang 41-anyos na si Mayweather (50-0-0, 27 KOs) sa isang music festival sa Tokyo, Japan kung saan nila pinag-usapan ang isang rematch sa Disyembre. Parehong naniniwala ang 39-anyos na si Pacquiao at ang 41-anyos na si Mayweather na matutuloy ang kanilang ikalawang pagtutuos matapos noong Mayo ng 2015.

Ang nasabing super fight nina Pacquiao at Mayweather ay humakot ng 4.6 milyon sa Pay-Per-View at $72.2 milyon sa takilya.

Kung hindi sa Dis­yem­bre ay inaasahang maitatakda ang Pacquiao-Mayweather II sa ikalawang linggo ng Enero ng 2019.

Umiskor si Pacquiao ng 7th round TKO victory kay Lucas Matthysse para agawin ang hawak nitong WBA welterweight belt noong Hulyo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with