^

PSN Palaro

Elite may pakay sa Batang Pier

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Elite may pakay sa Batang Pier
Dalawang linggo ring nagpahinga ang liga upang bigyang-daan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifers.
Miguel De Guzman/File

Laro Ngayon (Smart Araneta)

4:30pm Blackwater vs NorthPort

7pm Phoenix vs Meralco

MANILA, Philippines — Target ng Blackwater na makisalo sa liderato sa pagharap nito sa NorthPort sa pagbabalik ng PBA Season 43 Governors’ Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang linggo ring nagpahinga ang liga upang bigyang-daan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifers.

Kaya naman parehong sariwa na sasalang ang Elite at Batang Pier sa kanilang duwelo sa alas-4:30 ng hapon. Masisilayan din ang engkuwentro ng Phoenix at Meralco sa alas-7 ng gabi.

Wala pang talo ang Blackwater sa dalawang laro para saluhan sa No. 2 spot ang Magnolia Hotshots na may parehong 2-0 baraha.

Nangunguna ang Barangay Ginebra na may imakuladang 3-0 kartada.

Binanderahan ni Henry Walker ang Elite sa kanilang panalo kontra sa mga bigating TNT KaTropa (104-98) at San Miguel Beer (103-100).

Subalit wala sa isip ng Blackwater ang pagiging kampante lalo pa’t babalik na sa NorthPort sina Stanley Pringle at Sean Anthony.

“We are preparing against NorthPort and we really need to defend them. Stanley Pringle and Sean Anthony are now playing. So even though they are winless, we should not underestimate them,” ani Elite coach Bong Ramos.

Matikas ang averages ni Walker tangan ang averaging 29 points, 15.5 rebounds at 4.0 assists kada laro.

At umaasa si Ramos na hindi kakalawangin ang kanyang bataan.

“We can’t say that if we will be affected by the long break. We are just ready anytime,” aniya.

Maliban kay Walker, aasahan din ng Elite si national mainstay JP Erram gayundin sina Mike Digregorio, Nards Pinto, Allein Maliksi at Mac Belo.

Sa kabilang banda, nakalubog ang Batang Pier sa 0-4 rekord kaya’t ibubuhos na ng tropa ang lahat para makabalik sa porma. 

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with