^

PSN Palaro

Altas, Cardinals humihinga pa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas, Cardinals humihinga pa
Tinangkang supalpalin ni Jan Sacramento ng Arellano si Rommel Mangalino ng Perpetual Help sa aksyong ito sa NCAA Season 94 men’s basketball.

Laro Bukas (The Arena)

10 a.m.- SSCR vs JRU (Jrs)

12 nn.- SBU vs EAC (Jrs)

2 p.m.- SSCR vs JRU (Srs)

4 p.m.- SBU vs EAC (Srs)

MANILA, Philippines — Pinasuko ng University of Perpetual Help System Dalta ang Arellano University, 57-45 upang buhayin ang pag-asa nito sa Final Four ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naglatag na naman ng halimaw na laro si Prince Eze matapos umani ng 20 puntos at 19 rebounds para buhatin ang Altas sa ikaanim na panalo sa 11 pagsalang.

Nakakuha si Eze ng suporta mula kina Rey Peralta at Jelo Razon na nagtulong sa pinagsamang 19 markers habang nag-ambag si Jeff Coronel ng walong puntos at anim galing kay Edgar Charcos.

Bumagsak sa 4-7 ang Chiefs.

Ang 45 puntos na pro­duksiyon ng Chiefs ang ikalawang pinakamababang output sa season na ito.

Tanging si Michael Canete lamang ang nagtala ng double figures para sa Chiefs tangan ang 15 markers.

Sinorpresa naman ng Mapua University ang College of Saint Benilde, 86-83 para manatiling buhay ang tsansa nito.

Napigilan ng Cardinals ang matikas na kamada ng Blazers sa second half upang dagitin ang kanilang ikaapat na panalo laban sa walong kabiguan.

Pinamunuan ni Laurenz Victoria ang balanseng atake ng Mapua matapos magtala ng 16 markers, anim na rebounds at anim na assists.

“He’s the most senior of the team that’s why I’m gi­ving him all the confidence to shoot and make the plays when we need it,” ani Mapua mentor Atoy Co patungkol kay Victoria.

Nahulog ang Blazers sa No. 4 spot tangan ang 7-5 marka habang naiwan sa solong ikatlo ang walang larong Colegio de San Juan de Letran (7-4)..

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with