^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas umeskapo sa Qatar

Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas  umeskapo sa Qatar
Tumapos sina Cabag­not at Aguilar ng tig-16 puntos na nakakuha rin ng suporta mula kay Stanley Pringle na umiskor ng 13-puntos para ibangon ang Phl Team sa 73-81 kabiguan sa mga kamay ng Iran at pagandahin ang kanilang record sa 5-3 habang laglag ang mga Qataris sa 2-6 kartada.

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa sina Japeth Aguilar at Alex Cabagnot sa second half para pangunahan ang Gilas Pilipinas sa 92-81 pananaig laban sa Qatar sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa isang ‘closed-door’ game na idinaos kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos sina Cabag­not at Aguilar ng tig-16 puntos na nakakuha rin ng suporta mula kay Stanley Pringle na umiskor ng 13-puntos para ibangon ang Phl Team sa 73-81 kabiguan sa mga kamay ng Iran at pagandahin ang kanilang record sa 5-3 habang laglag ang mga Qataris sa 2-6 kartada.

Dahil sa panalo, humig­pit ang kapit ng home team sa ikatlong puwesto sa team standing sa Group F.

Nakaunang nakaporma ang mga Qataris nang iwanan nila ang Nationals ng 17 puntos sa first half, subalit kumana ang tropa ni coach Yeng Guiao ng 28 puntos laban sa 12 lamang ng bisitang team sa third quarter bago tuluyang uma­lagwa tungo sa kanilang panalo.

 Sa iba pang laro, tinalo ng Japan ang Iran, 70-56  upang makuha ang pang-apat na puwesto sa Group F na may 4-4 kartada.

Tinambakan naman ng Australia ang Kazakhstan, 94-41 upang manguna sa Group F na may 7-1 record habang bumaba sa pangalawang puwesto ang Iran na may 5-2 kartada.

Samantala, inaasahan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas na makakapag­laro na ang mga higanteng sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter para sa back-to-back home games ng Nationals laban sa Kazakhstan at Iran sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Umaasa ang mga SBP officials na makakarekober ang dalawang Cebuano behemoths sa pagsagupa ng National team laban sa Kazakhstan sa Nov. 30 at sa Iran sa Dec. 3.

Ang nasabing dalawang laro ay gagawin sa Pilipinas bago harapin ng Nationals ang Qatar sa Feb. 21 at Kazakhstan sa Feb. 24 sa road games sa pagtatapos ng FIBA WC eliminator.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with