Ito ang isiniwalat ni Arum sa panayam ng CBS Sports kasabay ng paghahayag nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0-0, 27 KOs) ng kanilang laban sa Disyembre.
Arum alam ang nilulutong Pacquiao-M’weather rematch
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alam ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na magkikita sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Tokyo, Japan para pag-usapan ang kanilang rematch.

Ito ang isiniwalat ni Arum sa panayam ng CBS Sports kasabay ng paghahayag nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0-0, 27 KOs) ng kanilang laban sa Disyembre.

“I knew that they were thinking about it,” wika ni Arum. “With Manny, it's about the money and the problem is they have to get a good place outside the United States because otherwise it's a problem with the IRS.”

Nagkita ang 39-anyos na si Pacquiao at ang 41-an­yos na si Mayweather sa isang music festival sa Tokyo at kaagad pinag-usapan ang kanilang rematch.

Inaasahang mapaplantsa ang naturang rematch ngayong linggo.

Sinabi ni Pacquiao, nagtayo ng sariling MP Promotions sa pagsagupa kay Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia  na mangyayari ang rematch ngayong taon kung saan makikipagkita ang kanyang kinatawan sa kampo ni Mayweather para pag-usapan ang mga detalye ng laban.

Sa kanilang mega showdown noong Mayo ng 2015 ay tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision.

 

BOB ARUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with