Gov. Chavit Singson
Pagkakaisa sa sports panawagan ni Chavit
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagumpay na maitaguyod ang 2019 Southeast Asian Games.

Ito ang hangad ni shoo­ting chief Chavit Singson kaya’t nanawagan ito ng pagkakaisa para maisakatuparan ang engrandeng pagtatanghal ng bansa sa 30th SEA Games na gaganapin sa susunod na taon sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sinabi ni Singson na handa itong tumulong partikular na sa paghahanda ng mga atletang sasabak para matiyak na mas maraming gintong medalya ang anihin ng bansa sa SEA Games.

“Unang-una, ang gusto ko lang tumulong. Magtulungan tayong lahat para sa common goal natin, malapit na ang SEA Games, dapat tulung-tulong tayong lahat para ma-achieve yung goal natin. Kailangan mas maraming ginto hindi lang yung apat. Maliwanag yun ang dapat nating pagtulu­ngan,” ani Singson.

Tiniyak ni Singson na hindi lamang sa shoo­ting sesentro ang kanyang pagtulong.

Nais nitong pagtuunan din ng pansin ang iba pang National Sports Associations (NSAs).

“As far as I am concer­ned tutulong ako sa lahat not only sa shooting kundi sa lahat like for example yung group namin ng NSAs. Support  them, mag-hire tayo ng magagaling na coaches. Dapat ganun lahat ng grupo.

Hangad din ni Singson na magkaroon ng awto­no­­miya ang mga NSAs na pumili ng mga atletang isasabak sa mga kumpetis­yon hindi yung pinakikialaman ito ng iba pang grupo.

“Dapat ang mga kani-kanilang grupo ang pipili ng mga atleta. Kung sino ang inaasahan nating mananalo, yun ang ilalaban hindi yung mga galing sa taas kundi sa baba. Sila kasi ang nakakaalam kung sino ang magagaling sa kani-kanilang grupo,” ani pa ni Singson.

Nakatakdang makipagpulong si Singson sa iba’t ibang NSAs upang alamin ang mga problemang kinakaharap nito.

Matapos ang natu­rang pagpupulong, dudulog si Singson sa Philippine Olympic Committee upang makipagkasundo, ma­ayos ang lahat ng gusot at magkaroon ng pagkakaisa t­ungo sa tamang direksiyon patungo sa matagumpay na kampanya sa SEA Games.

CHAVIT SINGSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with