Ito ang tiniyak ni eight-division world champion Manny Pacquiao ilang araw matapos nitong iha­yag na sasampahan niya ng kaso si Top Rank Promotions chief Bob Arum at ang kumpanya nito.
Pacquiao, Arum nagkaayos na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbago ang ihip ng hangin at walang demandahang magaganap.

Ito ang tiniyak ni eight-division world champion Manny Pacquiao ilang araw matapos nitong iha­yag na sasampahan niya ng kaso si Top Rank Promotions chief Bob Arum at ang kumpanya nito.

Nag-ugat ang naturang pagbabanta sa kabiguang ibigay ng Top Rank ang bahagi ng kinita sa TV earnings ng laban nina Pacquiao at Lucas Matthysse noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan naibulsa ng People’s Champion ang WBA welterweight belt.

Magkatuwang na ipinalabas ng Top Rank at ESPN+ ang Pacquiao-Matthysse sa Amerika, Canada at Puerto Rico.

Subalit bumalikwas si Pacquiao nang i-post nito sa kanyang Twitter account ang panibagong statement.

Isa lamang kaso ng “miscommunication” ito sa pagitan ng Team Pacquiao at ng Top Rank at mabilis aniyang naayos ang gusot sa pagitan ng magkabilang kampo.

“My post from the other day was a result of miscommunication between my Team and Top Rank. Everything has been clarified,” ani Pacquiao sa post.

Nagpasalamat din si Pacquiao sa Top Rank at kay Arum na siyang naging kaakibat nito sa kanyang boxing career sa loob ng ilang taon.

Kumalas na si Pacquiao sa Top Rank.

Kasalukuyang MP Promotions ang humahawak sa mga laban ni Pacquiao.

Subalit hindi pa rin sumusuko si Arum kay Pacquiao.

Magugunitang nagtu­ngo pa sa General Santos City si Arum para muling suyuin ang Pambansang Kamao.

Subalit bumalik si Arum sa Amerika dala ang “no deal.”

BOB ARUM MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with