PBA nagtakda ng draft deadlines
Matapos nito, maglalabas ang PBA ng listahan ng mga kwalipikadong Fil-foreign players na makakasama sa Rookie Draft.
PBA nagtakda ng draft deadlines
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — May tsansa pa ang mga Fil-foreign players hanggang sa susunod na buwan para magsumite ng aplikasyon at dokumento para sa PBA Rookie Draft sa Disyembre 16.

Nakatakda ang deadline sa Oktubre 26.

Matapos nito, maglalabas ang PBA ng listahan ng mga kwalipikadong Fil-foreign players na makakasama sa Rookie Draft.

Sa kabilang banda, ang mga local players o ang mga may purong dugong Pilipino ay may pagkaka­taong magpasa ng requirements hanggang sa Dec. 3.

Sa naturang petsa rin ilalabas ang pinagsamang listahan ng mga local at Fil-foreign players na makakasama sa draft.

Kailangang lumahok ang lahat ng aplikante sa Draft Combine sa Disyembre 12 hanggang 13. Ang final list ng draft applicants ay ilalabas sa Dec. 14.

Noong nakaraang taon, itinanghal na top pick si Fil-German Christian Standhardinger na kasalukuyang naglalaro para sa San Miguel Beer.

Samantala, asahan ang mas mahabang season sa susunod na taon dahil tatakbo ito alinsunod sa kalendaryo ng FIBA.

Nais ng PBA at Sama­hang Basketbol ng Pilipinas na maayos ang schedule para magkaroon ng tsansa ang mga PBA players na makalaro para sa Team Pilipinas na naghahangad na makapasok sa 2019 FIBA World Cup.

Sa season na ito, kasalukuyang nasa break ang PBA para bigyang-daan ang FIBA window. Muling magkakaroon ng break sa Nobyembre kaya’t i­naaasahang aabot ang Governors’ Cup sa Chirstmas Day o higit pa.

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with