^

PSN Palaro

Nietes-Palicte fight nauwi sa split draw

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Nietes-Palicte fight  nauwi sa split draw
Ang palitan ng suntok nina Donnie ‘Ahas’ Nietes at ‘Mighty’ Aston Palicte.
(HBO Boxing)

MANILA, Philippines — Kapwa naging maingat sa kabuuan ng laban sina world three-division champion Donnie 'Ahas' Nietes at 'Mighty' Aston Palicte.

At ang resulta nito ay isang split draw sa pagitan nina Nietes at Palicte  sa 'SuperFly 3' kahapon sa The Forum sa Inglewood, Ca­lifornia.

Tumanggap si Nietes ng 118-110 iskor mula kay judge Daniel Sandoval, habang si Palicte ay nakakuha ng 116-112 buhat kay Ro­bert Hoyle at 114-114 ang iniskor ni Max de Luca para sa split draw.

Nanatiling bakante ang WBO super flyweight title.

Mula sa opening round hanggang sa round 11 ay kap­wa naghihintay ng pag­­bu­kas ng depensa ang 36-anyos na si Nietes ng Murcia, Negros Occidental at ang 27-anyos na si Pa­licte ng Bago City, Negros Occidental.

Uminit lamang ang ak­syon nang maging agresibo si Nietes (41-1-5, 23 KOs) laban kay Palicte (24-2-1, 20 KOs) sa round 12.

“Of course I won the fight,” sabi ni Nietes, hindi pa natatalo simula noong 2004 at hangad ang kanyang ikaapat na world bo­xing crown sa apat na mag­kakaibang weight divisions. “Tonight was my first time fighting at this weight. I dealt with his reach.”

Nagkampeon si Nietes sa WBO minimumweight di­vision noong 2007 at isi­nu­nod ang WBO light flyweight crown noong 2011 at ang International Boxing Fe­­deration flyweight belt no­­ong Abril ng 2017.

Sa Compubox ay naka­ko­nekta si Nietes ng 194 sa kabuuan niyang 523 pun­ches (37 percent) kum­para sa 124-of-830 total pun­ches (15 percent) ni Palicte.

Ilang beses nakakonekta si Nietes sa ulo ni Palicte sa round 12.

Ngunit nabi­go si Nietes na mapabagsak ang kanyang kababayan.

“I was the best fighter in the first half of the fight. I threw punches. I landed punches. Towards the end of the fight, he was coming on,” ani Palicte.

Kagaya ni Nietes, handa rin si Palicte para sa isang rematch.

“I'm ready to do it again,” ani Palicte, nasa bo­xing pro­­motion ni Roy Jones, Jr. 

DONNIE 'AHAS' NIETES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with