^

PSN Palaro

PBA solido ang suporta para sa Team Pilipinas

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA solido ang suporta para sa Team Pilipinas
“The PBA is very sup­por­tive of the SBP (Sama­hang Basketbol ng Pilipinas), and it’s a big, big plus for our national team,” wika ni PBA chairman Ricky Vargas sa isinasagawang planning session ng PBA Board sa Las Vegas, Nevada.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Bilang pagbibigay ng ka­nilang solidong suporta sa Team Pilipinas, handa ang Philippine Basketball As­sociation na gumawa ng adjustment sa kanilang is­­kedyul.

“The PBA is very sup­por­tive of the SBP (Sama­hang Basketbol ng Pilipinas), and it’s a big, big plus for our national team,” wika ni PBA chairman Ricky Vargas sa isinasagawang planning session ng PBA Board sa Las Vegas, Nevada.

Nakatakdang labanan ng Team PIlipinas ni head coach Yeng Guiao ang Iran sa Tehran sa Setyembre 13 at ang Qatar sa Setyembre 17 sa isang closed-door match sa Smart Araneta Co­liseum sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Dahil dito ay pansaman­talang itinigil ng PBA ang mga aksyon sa 2018 Go­vernor’s Cup.

Pitong tiket ang nakata­ya sa nasabing Asian Qualifers para sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

Tatlong windows pa ng FIBA World Cup Asian Qua­lifiers ang susuungin ng Nationals, nakatakdang bumiyahe patungong Tehran ngayong gabi para la­banan ang mga Iranians.

“The third conference next season may stretch to January, 2020 as the league is again readjusting its schedule for the remai­ning windows of the FIBA WC qualifiers, and to the FIBA WC proper should we make it there. That’s the commitment the PBA is throwing to the SBP and the national team,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Samantala, inaprubahan ng PBA Boards ang pag­lahok ng Meralco sa 2018 FIBA Champions Cup na magsisimula sa Set­yembre 27 sa Bangkok, Thailand.

Makakatapat ng Bolts ni Norman Black ang SK Knights ng Korea, Al Riyadi team ng Lebanon, Pet­rochimi ng Iran, Pauian ng Chinese-Taipei at Mono Vampire ng Thailand.

Si FIBA secretary ge­neral Patrick Baumann ang mismong humiling sa PBA na magpadala ng ki­natawan ng Pilipinas sa tor­neo.

TEAM PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with