Ayo bibinyagan ng Bulldogs
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2018 - 12:00am

UAAP Season 81 lalarga na

MANILA, Philippines — Maghaharap ang National University at University of Santo Tomas habang magtatagpo naman ang University of the Philippines at University of the East ngayon sa paglarga ng UAAP Season 81 basketball tournament sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

Haharapin ng Bulldogs ang Growling Tigers sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng Fighting Maroons at Red Warriors sa alas-2.

Inaasahan din ang magarbong opening ce­remonies simula sa alas-12 ng tanghali.

Tiyak din ang mainit na pagsalubong sa mga fans ni Golden State Warriors star Stephen Curry na dadalo sa opening rites upang magbigay inspiration sa mga atleta at sports fans. Ito na ang ikalawang pagbisita ni Curry sa Pilipinas simula noong 2015.

Kinumpirma na rin ni coach Jamike Jarin na maglalaro ang 6’7 Fil-Am na si Troy Rike matapos makumpleto ang mga kinakailangang dokumento na hinihingi ng UAAP Board.

“Troy Rike will play on Saturday sa aming opening game,” sabi ni Jarin.

Uumpisahan na rin ni dating La Salle coach Aldin Ayo ang kampanya sa bagong koponan, UST Tigers kung saan tangan nito ang malaking misyon na iangat ang tropa mula sa 8th place finish sa nakaraang season.

Sasandal si Ayo sa mga holdovers na sina Marvin Lee, Steve Akomo, Zachy Huang at mga nagbabalik na sina Renzo Subido at Embons Bonleon at mga baguhang sina CJ Cansino, Makoy Marcos at Ken Zamora.

“I don’t want to be conscious about it. It comes naturally. Gusto lang namin mangyari, mag-compete lang na mag-compete hanggang sa makakaya namin. Ayaw namin ma­ging conscious na after this season ano 'yung ma-achieve namin. We just want to do our best,” sabi ni Ayo ukol sa kanyang kampeonato sa Letran sa NCAA tourney at sa Green Archers.

Sa iba pang laro, na­ging maganda na ngayon ang camaraderies, teamwork at disiplina ng UP Maroons kung ikumpara sa nakaraang taon kung saan tumapos sila sa 6-8 win-loss kartada, sabi ni coach Bo Perasol.

Inaasahang pangungunahan nina Paul Desiderio, Juan Gomez de Liaño, Nigerian import Bright Akhuetie, Javi Gomez de Liaño at Juan Manzo ang UP.

Itatapat naman ni ba­gong UE Red Warriors coach Joe Silva sina Alvin Pasaol, Philip Manalang, Mark Malole at Jason Varilla.

ALDIN AYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with