^

PSN Palaro

Pinoy boxers kakasa na

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Pinoy boxers kakasa na
Inaasahang makaka­pagdagdag sa apat na gold medal ng Pinas sina Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam at Rogen Ladon na pare-parehong nakakasiguro na ng bronze medal at kung mananalo sa kanilang laban ngayon na magtutulak sa kanilang sa gold medal bout bukas.
Bay Ismoyo/AFP

JAKARTA — Tatlong  Phl boxers ang magtatangkang makasiguro ng silver medal sa pagsabak sa semifinal round ng bo­xing competition sa Jakarta International Expo sa penultimate day ng aksiyon sa 18th Asian Games na ginaganap sa iba’t ibang venues dito at sa Palembang.

Inaasahang makaka­pagdagdag sa apat na gold medal ng Pinas sina Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam at Rogen Ladon na pare-parehong nakakasiguro na ng bronze medal at kung mananalo sa kanilang laban ngayon na magtutulak sa kanilang sa gold medal bout bukas.

Bilang unang boxer na pumasok sa semifinals, ang 24-gulang Olympian na si Ladon, 2017 Asian Championships bronze medalist, ang  unang sasalang sa men’s flyweight 52kgs. kontra kay Yutapong Tongdee  ng Thailand sa alas 2:15 ng hapon (3:15 Manila Time).

Delikado naman ang 20-gulang na si Paalam sa kanyang alas 4 (5:00 p.m. Manila time) na laban sa men’s light flyghweight 49 kgs division dahil makakatapat niya ang local bet na si Amit ng Indonesia.

Huling sasalang si Marcial, back-to-back SEA Games gold medalists sa men’s middleweight 75kgs sa alas-7:45 ng gabi (8:45 p.m. Manila Time kontra kay Israil Madrimov ng Uzbekistan.

Nagtala si Paalam, pinakabata sa  eigth-member team na lahok ng ABAP ng 4-1 panalo kontra sa beteranong  Kazakh na si  Termirtas Zhussupov, 4-1 sa semifinals habang dinispatsa naman  ni Marcial si  Jinjea Kim ng  Korea, 5-0 kamakalawa.  

PINOY BOXERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with