^

PSN Palaro

Gold ni Hidilyn, nagsalba sa Team PHL

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
Gold ni Hidilyn, nagsalba sa Team PHL
Binuhat ni Hidilyn Diaz ang unang ginto ng Team Phl sa weightlifting event ng 18th Asian Games.
Joey Mendoza

JAKARTA-- Dumating ang hinihintay na gold medal ng Pilipinas nang ideliber ito ng weightlifter na si Hidilyn Diaz sa ikatlong araw ng kompetisyon ng 18th Asian Games dito sa Palembang.

Bumuhat ang 27-gulang na Olympic silver medalists ng 207 kilogram sa women’s 53kg event upang talunin ang ang pinakamahigpit na kalabang si Kristina Shermitova ng Turkmenistan sa Jakarta International Expo.

Bukod sa gold ni Diaz ay may apat na bronzes din ang Pilipinas, ang huli ay mula kay taekwondo jin Pauline Louise Lopez.

Naghihintay ang P6-mil­yong insentibo kay Diaz--P2milyon mula sa PSC, P1M mula sa  Siklab Pilipinas Sports Foundation, P2M mula sa  Philippine Olympic Committee at P1M mula kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong Wee.

Sa ginawa niyang ma­­tinding preparasyon para sa kanyang ikatlong Asiad stint, ‘di mapigilan ng  22-gulang na si Lopez na umiyak matapos malasap ang 4-11 kabiguan kontra sa mas matangkad na si Zongshi Lou ng China sa Women’s +67kg Kyorugi event na ginaganap sa Jakarta Convention Center.

“It’s really painful k­nowing that if I did this and that, it would have been different but I can’t dwell on that now and move forward,” sabi ng many time SEA Games gold medalist na si Lopez. “I had a r­eally strong mental training for this Asian Games so I was really eying for podium f­inish no matter what medal but my best wasn’t good enough. But I’m still happy with what I came up with. It’s still an honor (bronze medal) but it still hurts.”

Matapos malamangan ng 8-3 ni Lou, nagsikap maghabol si Lopez at lumapit sa 5-8 nang inereklamo ang tatlo niyang hits na hindi iniskoran ngunit kinapos na sa oras si Lopez sa likod ng kanyang agresibong paghahabol.

Binuksan ng Olympian na si Lopez ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng 8-0 panalo kontra kay Feng Xiao ng Macau sa round of 16 na sinundan niya ng 20-0 pagdurog sa kalabang Nepalese na si Chunara Gyani sa quarterfinals.

Sibak agad sa round of 16 ang  kapwa Olympian ni Lopez na si Kirstie Elaine Alora laban kay Deniz Cansel ng Kazakhstan, 7-8.

Natalo rin sa men’s 80kg round-of-16 si Kristopher Robert Uy kay Hongyi Sun ng China, 7-9.

Ang bronze ni Lopez ay dagdag sa dalawang bronze ng kanyang mga kasamahang men at wo­men’s team poomsae at isa kay wushu artist Agatha Wong.

Sa cycling, matapos mabigong makapagbigay ng magandang laban bilang top favorite sa women’s cross country, nagdesisyong mag-resign si Arinna Dormitoryo makaraang di pinayagang sumama ang kanyang ama na diumano’y nakaapekto sa kanya.

“We are signifying our intention now and will officially render our resignation from the national team,”  sabi  ng tatay ni Ariana na si Donjie na nagpahayag ng sintimiyento sa kakulangan ng suporta sa kanyang anak. “We feel we are no longer happy and we want out of the National team. 

Kasalukuyan pang nakikipaglaban sina Daniel Parantac at Divine Wally sa wushu competition na ginaganap din sa Jakarta International Expo habang sinusulat ang balitang ito. 

vuukle comment

18TH ASIAN GAMES

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with