^

PSN Palaro

Gilas to painters kinapos sa China

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
Gilas to painters kinapos sa China
Tulad ng inaasahan, pinangunahan ng Fil-Am Cleveland Cavalier player na si Jordan Clarkson ang “Gilastopainters” sa kanyang tinapos na 28-puntos ngunit kinapos ang Gilas team na binubuo ng core players ng Rain or Shine para sa 1-1 record sa Pool D matapos ipanalo ang kanilang unang laro kontra sa Kazakhstan, 96-59 noong Huwebes.
Joey Mendoza

JAKARTA — Binigyan ng matinding laban ng Phi­lippine National basketball team ang bigating Chinese squad at muntik pang maitakas ang panalo ngunit sa dakong huli ay yumukod sa dikit lang na 80-82 sa basketball competition ng 18th Asian Games sa napunong Basketball Hall ng Gelora Bung Karno (GBK) Complex.

Tulad ng inaasahan, pinangunahan ng Fil-Am Cleveland Cavalier player na si Jordan Clarkson ang “Gilastopainters” sa kanyang tinapos na 28-puntos ngunit kinapos ang Gilas team na binubuo ng core players ng Rain or Shine para sa 1-1 record sa Pool D matapos ipanalo ang kanilang unang laro kontra sa Kazakhstan, 96-59 noong Huwebes.

Lamang pa ang Gilas sa huling 1:23 minuto ng labanan 80-73, mula sa lay-up ni Stanley Pringle ngunit ang lay-up at dalawang free throws ni Rui Zhao ang naglagay sa mga Chinese sa 82-80 kalamangan, 13 segundo na lamang.

Sinikap agawin ng Gilas ang panalo nang ipukol ni Jan Paul Dalistan ang pampanalo sanang tres ngunit sumablay ito at nakuha ni Rui Zhao ang Rebound.

Napilitang lumabas sa court si Clarkson dahil sa pagkakaroon ng cramps sa huling 3:09 minuto ng fourth quarter at ibinalik sa huling 1:12 minuto ng laro.

Sigurado na sa quarterfinals ang Gilas at naghihintay na lamang ng makakalaban na posibleng matapat sa mapanganib ding Korea.

vuukle comment

PHI­LIPPINE NATIONAL BASKETBALL TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with