NLEX pakay ang ika-3 vs Magnolia
MANILA, Philippines — Puntirya ng NLEX na masungkit ang ikatlong sunod na panalo habang inaabangan na ang debut ni Calvin Abueva suot ang Phoenix jersey sa pagpapatuloy ng PBA Season 43 Governors’ Cup ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Makakasagupa ng NLEX ang Magnolia sa alas-7 ng gabi samantalang aarangkada ang Phoenix kasama si Abueva kontra sa Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon.
Namamayagpag ang Road Warriors tangan ang 2-0 rekord para okupahan ang solong pamumuno.
Ngunit walang balak maging kampante ang NLEX dahil alam nitong matikas ang Hotshots na babanderahan nina Mark Barroca, Ian Sangalang at import Romeo Travis.
“We considered them as one of the tough teams like the San Miguel teams, TNT and Meralco. They are one of those teams that we are really going to prepare for. Because if things go wrong, we will be exposed,” ani NLEX assistant coach Jojo Lastimosa. (CCo)
- Latest