^

PSN Palaro

Pirates binawian ang Red Lions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pirates binawian ang Red Lions
Minanduhan ni reigning MVP CJ Perez ang mainit na paglalayag ng Pirates nang humataw ito ng 22 puntos, 13 rebounds, tatlong assists at dalawang steals para pigilan ang mabangis na ariba ng Lions.
https://www.facebook.com/SDBasketballportal

MANILA, Philippines — Tuloy ang pamama­yagpag ng Lyceum of the Philippines nang pataubin nito ang nagdedepensang San Beda University, 73-66 para matamis na ma-sweep ang first round ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Minanduhan ni reigning MVP CJ Perez ang mainit na paglalayag ng Pirates nang humataw ito ng 22 puntos, 13 rebounds, tatlong assists at dalawang steals para pigilan ang mabangis na ariba ng  Lions.

Malaki rin ang kontribusyon ni Jaycee Marcelino na nakalikom ng 13 puntos at apat na boards habang kumana si  Spence Pretta ng 11 markers at tatlong rebounds para sa Lyceum na sumulong sa ikawalong sunod na panalo at manatiling walang bahid ang rekord nito.

“It’s about who we are playing for, we are not pla­ying the competition but we are playing for ourselves. We know what San Beda could do and that it’s something that people are w­atching,” ani Pirates head coach Topex Robinson.

Nakatikim ng unang kabiguan ang Red Lions na bumagsak sa 6-1 baraha.

Nakakuha ang San Beda ng 19 puntos at 18 boards buhat kay Donald Tankoua samantalang nag­lista si Robert Bolick ng 18 points at 10 markers at 15 rebounds galing kay Javee Mocon.

Sa unang laro, namayani ang Colegio de San Juan de Letran sa Mapua University, 84-62  para ma­kabalik sa porma bitbit ang 5-3 baraha.

vuukle comment

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with