^

PSN Palaro

Wong nag-ambag ng bronze sa Pinas

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
Wong nag-ambag ng bronze sa Pinas
Ipinagmalaki ni Agatha Wong ang bandila ng Pilipinas makaraang mag-ambag ito ng bronze medal sa wushu event ng 18th Asian Games.
(Joey Mendoza)

JAKARTA-- Isa pang bronze medal mula sa wushu artists na si Agatha Wong para hindi mabokya ang Pinas sa ikalawang araw ng aksiyon sa 18th Asian Games dito.

Bago pa lang magtanghalian, umugong na ang balita sa pagkapanalo ng bronze ni Wong sa women’s  tajiquan at tajijian all around event dagdag sa dalawang bronze ng men at womens poomsae team kamakalawa.

Umiskor ng total na 19.42 ang 20-gulang na si Wong na sumapat para sa third place matapos magtala ng 9.68 sa taijiquan para makatabla sa third place noong  Linggo at 9.68 din sa taijijian kahapon sa kompetisyong ginaganap sa Jakarta Convention Center kung saan idinadaos ang iba pang martial arts event.

Pinagsama ang taijiquan at tajijian dito sa Asian Games imbes na hiwalay na event tulad sa SEA Games kung saan nanalo si Wong ng silver at gold sa Malaysia SEAG.

“I just had no expectations. I just wanted to do my best, and I think I did my best. I think that’s worth it na rin,” sabi ni Wong na nakapagdeliber pa rin kahit may iniindang tendinitis at masakit na tuhod. “I was so nervous because I place fifth in the first discipline. I had to make sure of an impressive performance in the second discipline so I can have a chance.”

Nakopo ni Lindswell lindswell ng host Indonesia ang gold na umiskor ng 19.50  na personal na sinaksihan ni Indonesian President Joko Widodo habang ang silver ay napunta kay Juanita Mok ng Hong Kong na umiskor ng 19.46.

Sa JI Expo, hanggang round-of-16 lamang u­mabot ang mga fencers na sina Maxine Esteban at Samantha Kyle Catandan sa women’s foil event habang pang 11th lamang si Ellen Rose Perez sa 48 kg women’s division ng weightlifting. On going pa ang laban ng isa pang weightlifter na si Nestor Colonia.

Sa shooting sa Jabakaring Sports City shooting range, pumasok sa finals si Hagen Topacio matapos tumira ng 118 sa men’s trap event ngunit nabigong pumuwesto para sa medalya matapos malaglag sa No. 6.

Naitala naman ng RP Blu Girls ang ikalawang panalo matapos ang ope­ning win sa sa Hong Kong 7–0 kamakalawa ng gabi, nang kanilang igupo ang sa Korea, 5-3 ngunit  lalabanan pa nila ang China sa alas-8:00 (8:p.m. Manila time) kagabi sa GBK softball field.

vuukle comment

AGATHA WONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with