^

PSN Palaro

2 bronze sa Pinas

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon
2 bronze  sa Pinas
Nakatulog na ang ilang stranded na pasahero sa malamig na sahig sa NAIA sa paghihintay kung kailan sila makakaalis.
(Rudy Santos)

Mula sa men’s, women’s Poomsae

JAKARTA -- Dalawang bronze medals ang inihatid ng men at women’s poomsae team sa taekwondo competition ng 18th Asian Games para sa magandang simula ng kampanya ng Pilipinas sa 18th Asian Games.

Nagkaroon ng pag-asa ang Pilipinas sa gintong medalya sa unang araw ng aksiyon nang pumasok sa semifinals ang men at women’s poomsae team ng event na ngayon lamang isinama sa Asiad.

Ngunit isinara ng China at Korea ang pinto patu­ngong gold nang ipalasap sa mga Pinoy bets ang ka­biguan upang magkasya lamang sa bronze medals na tanging produksiyon ng 275-man delegation sa  u­nang araw ng torneo.

“Hard Luck, we lost in the semifinals but we are very proud,” pahayag ni head coach Igor Mella.

Punung-puno ng pag-asa ang Pinas na maka-gold sa unang araw ng kompetisyon nang makapasok sa semifinals ang men at women’s poomsae team na ginanap sa Jakarta Convention Center.

Ang men’s team na binubuo nina Rodolfo Reyes, Jr., Jeordan Dominguez at Dustin Jacob Mella ay yumukod sa China, 116.3, 118.1 habang natalo naman ang women’s team nina Jana Dominique Oliva, Rina Babanto at  Juvenile Faye Crisostomo sa Korea, 111.9-99.5.

Pumasok ang men’s trio sa semifinals matapos igupo sina Saudi Arabia sa round of 16 at Iran sa quarterfinals. Tinalo naman ng mga babae ang Hong Kong at host Indonesia para makausad sa medal round.

Maaga namang nasibak ang mga entries ng Pinas sa individual category na sina Reyes at Jocelyn Ninobla.

Sinibak si Reyes ng Thailander na si Pongporn Suvittayarak, 8.08-8.32 matapos manalo kay Ruslan Manaspayev sa round-of-18, 8.08-7.08.

Talo agad si Ninobla sa round of 16 kay Vietna­mese Tuyet Van Chau, 7.89-8.11.

Sa tennis, binuksan ng dating top junior netter na si Jeson Patrombon ang kampanya ng tennis netters sa pamamagitan ng 6-1, 6-0 pananalasa sa Timor Leste bet na si  Na­zario Fernandez Gusmao bago nakipagtambalan kay Francis Casey Alcantara sa hapon para igupo ang Qatari na sina Jabar Al Mutawa at Mubarak Zayid, 6-4, 6-2 sa doubles play.

vuukle comment

18TH ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with