^

PSN Palaro

NLEX, Meralco tangka ang ika-2 dikit

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NLEX, Meralco tangka ang ika-2 dikit
Hangad ng NLEX at Meralco na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na bakbakan sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
File Photo

Laro Ngayon (Yanes Sports Center)

4:30pm North Port vs NLEX

7pm TNT vs Meralco

MANILA, Philippines — Hangad ng NLEX at Meralco na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na bakbakan sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Haharurot ang Road Warriors kontra sa North Port sa alas-4:30 kasunod ang pukpukan ng Bolts at Talk ‘N Text sa alas-7 ng gabi.

Magarbo ang simula ng Road Warriors ng saga­saan nito ang Katropa sa bendisyon ng 103-90 desisyon upang makuha ang pambuenamanong panalo sa kumperensiyang ito.

“I just reminded them not to be satisfied and we should not play complacent (against Northp Port),” wika ni NLEX Road Warriors assistant coach Jojo Lastimosa na pansamantalang hu­malili kay head coach Yeng Guiao na kasalukuyang mentor ng national team sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

May iniindang injury si import Olu Ashaolu subalit nagpasiklab pa rin ito matapos kumana ng matikas na 33 points at 23 rebounds. 

“I don’t know what he can give us today but he will show up and play. He will be our import until his replacement comes in. But he will not go home,” wika ni Lastimosa.

Kaya naman kailangan nina Mac Tallo, Larry Fonacier at Philip Paniamogan na muling umariba. Nagtala ang tatlo ng pinagsama-samang 41 puntos sa kanilang huling laro para suportahan si Ashaolu.

Sa kabilang banda, la­laro ang Batang Pier nang wala si Stanley Pringle na bahagi ng Asian Games team.

Subalit nariyan ang mahusay na import na si Rashad Woods na siyang aasahan ng Road Warriors.

“Impressive yung first game nila beating TNT. They outplayed TNT in all angles and credit to Yeng’s assistant coaches Jolas and coach Adonis Tierra. Their import is also impressive despite the injury. We have to be ready,” ani Road Warriors coach Pido Jarencio.

Nakauna rin ang Meralco nang kuryentihin nito ang Columbian Dyip sa bisa ng 109-106 panalo.

Subalit mag-iingat ang Bolts dahil gigil na makabawi ang KaTropa.

Muling ipaparada ng Bolts si two-time Best Import awardee Allen Durham na may 26 points, 20 rebounds at siyam na assists laban sa Dyip.

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with