Pinay belles paghahandaan ang Thailand
JAKARTA-- Dumating kahapon ang Philippine women’s volleyball team dito upang makasali sa Asian Games sa kauna-unahang pagkakataon sapul noong 1982.
Pinangunahan nina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Mika Reyes, Jaja Santiago at kapatid na si Dindin Manabat, ang koponang sariwa pa sa kanilang traning sa Japan.
Unang asignatura ng mga Pinay volleybelles ang Thailand sa Linggo kasunod ang Japan sa Martes, Hong Kong sa Huwebes at Indonesia sa Sabado.
Malaki ang tsansa ng Nationals na manalo sa Hong Kong at Indonesia na kung mangyayari ay makakausad ang Pinay belles sa quarterfinals.
Mula sa Soekarno-Hatta International Airport, dumiretso agad sa Athletes Village sa Kemayoran area ang koponan na hindi magpa-participate sa tradisyunalna parada sa opening ceremony ngayon upang makapag-practice para sa laban kontra sa bigating Thailand.
- Latest