^

PSN Palaro

Stars ginulpi ang Kuyas; Voyagers wagi rin

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Stars ginulpi ang Kuyas; Voyagers wagi rin
Binuksan ng Manila Stars ang laro sa 21-0 run at sa matinding depensa, nilimitahan nila ang Kuyas sa apat na puntos lamang sa unang yugto tungo sa pag-angkin sa kanilang ika-5 panalo sa anim na laro.
https://www.facebook.com/ManilaStarsMPBL

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Manila Stars ang Bulacan Kuyas, 84-62 habang nagwagi naman ang Pasay City Voyagers laban sa Basilan Steel, 69-66 sa pagpa-patuloy ng 2018 MPBL Datu Cup noong Huwebes  ng gabi sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Binuksan ng Manila Stars ang laro sa 21-0 run at sa matinding depensa, nilimitahan nila ang Kuyas sa apat na puntos lamang sa unang yugto tungo sa pag-angkin sa kanilang  ika-5 panalo sa anim na laro.

Umabot pa sa 26 puntos ang bentahe ng Stars ni coach Philip Cezar upang umangat sa sosyohan sa ikalawang puwesto sa Northern Division kasama ang Bataan Risers sa parehong 5-1 win-loss kartada.

Dahil sa talo, ang Kuyas ni coach Britt Reroma ay nalaglag sa pang-apat na upuan sa 5-2 record.

Sa iba pang laro, umiskor ang 5’11 guard na si Shaquille Alanes ng 17 puntos para sa Pasay Voyagers at tig-13 puntos bawat isa sina Bobby Balucanag at Ron Lastimosa.

Ang Pasay ni coach Cholo Martin ay umangat sa 2-4 slate sa Northern Division habang ang Basilan ni coach Joseph Romarate ay bumaba sa parehong 2-4 card sa Southern Division.

vuukle comment

MANILA STARS

PASAY CITY VOYAGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with