^

PSN Palaro

Philippines 5 kakasa na

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Philippines 5 kakasa na
Ipinakita ni Jordan Clarkson (kanan) ang kanyang plane ticket bago sumakay sa kanyang flight patungong Indonesia via Singapore.
Photo By Jhay Otamias

Clarkson ‘di aabot vs Kazakhs

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Philippine Basketball team ni coach Yeng Guiao ang kam­panya ng Pilipinas sa 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang ngayon bagama’t sa Sabado pa ang opening ceremonies.

Opisyal nang pinayagang lumaro ang Cleveland Cavaliers Fil-Am player na si Jordan Clarkson ng NBA ngunit hindi siya aabot sa laro ng National ngayong alas-10  ng umaga sa Basketball Hall ng Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta.

Ayon sa ulat, hindi na aabot sa game si Clarkson dahil alas-10  pa ng umaga ito makakarating sa Singgapore diretso ng Jakarta.

Pero abot na abot siya para sa opening ce­remonies sa Sabado kung saan siya ang magiging flag bearer ng 272-man Philippine delegation sa traditional parade of teams.

Binigyan ng one-time exception si Clarkson na lumaro para sa Pinas sa Asian Games na hindi kasama sa kasunduan ng FBA at NBA kung saan puwedeng lumaro ang mga players sa kanilang mga  home countries.

Ito rin ang ibinigay sa dalawang Chinese pla­yers na sina Zhou Qi ng Houston Rockets at at Ding Yanyuhang ng Dallas Ma­vericks.

“After continued communication between the SBP and the NBA over the past few days, we were able to come together to pave the way for Jordan Clarkson to represent the Philippines in the 2018 Asian Games. The SBP and the NBA have a longstanding relationship of working together to grow the game of basketball in the Philippines and we share in the excitement of fans across the country and wish Gilas Pilipinas the very best in Indonesia,” ayon sa joint statement ng SBP at NBA.

Samantala, sa grupong dapat na kinaaniban ng Gilas Pilipinas, nakakuha ng awtomatikonng entry sa knockout stage ang Iran at Syria dahil sa last-minute withdrawal ng United Arab Emirates sa Group B.

Seedings na lang ang paglalabanan ng Iran at Syria para sa KO round seedings sa August 25.

Kasama dapat ng Philippines ang Iran, Syria at UAE sa Group B ngunit inilipat sa  mabigat na grupo ng China at Kazakhstan matapos umatras ang Palestine.

Ilang beses nang nag­harap ang Philippines at Kazakhstan ang huli ay sa Incheon Asiad kung saan nanalo ang Nationals sa 67-65 na naging kontrobersiyal dahil na-shoot ng mga Pinoy ang bola sa goal ng kalaban sa endgame. 

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with