^

PSN Palaro

Lady Maroons ‘di bibitaw sa No. 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Maroons �di bibitaw sa No. 4
Papalo ang salpukan ng Lady Maroons at Lady Blazers sa alas-4.
Miguel De Guzman/File

Laro Ngayon (The Arena)

9am NU vs DLSU (M)

11am FEU vs AU (M)

1pm CSB vs UP (M)

4pm UP vs CSB (W)

6pm SBU vs UST (M)

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa ikaapat na puwesto ang puntirya ng University of the Philippines sa pagharap nito sa College of Saint Benilde sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Papalo ang salpukan ng Lady Maroons at Lady Blazers sa alas-4.

Nais ng Lady Maroons na makabangon mula sa 22-25, 25-19, 23-25, 24-26 kabiguan sa kamay ng Lady Falcons noong Linggo.

Maganda naman ang inilaro ng UP kung saan parehong gumawa ng 15 puntos sina Marian Buitre at Isa Molde habang nag­dag­dag ng tig-10 sina Ai Gannaban at Lorie Bernardo, at siyam galing kay rookie Nicole Anne Magsarili.

Naging pasakit lamang sa Lady Maroons ang 33 errors na nagawa nito partikular na service area sa mga krusyal na sandali para tuluyang malugmok.

Sa kabila nito,  nananati­ling optimistiko si UP mentor Godfrey Okumu dahil tiyak na maraming matututunan ang kanyang bataan na mas mahasa ito para sa UAAP season.

Hawak ng UP ang solong No. 4 spot bitbit ang 2-2 kartada habang nangunguna ang University of Santo Tomas (5-0), Adamson University (4-0) at FEU (4-1).

Nakabuntot naman sa No. 5 ang Benilde at San Beda University na may parehong 1-3 marka.

 Nariyan din si playma­ker Jewel Lai na dating ace setter ng Lady Maroons.

Sa men’s division, maghaharap ang National University (5-0) at De La Salle University (1-4) sa alas-9 ng umaga kasunod ang duwelo ng FEU (2-3) at Arellano (0-5) sa alas-11 ng tanghali  at ng Benilde (3-2) at UP (3-2) sa ala-una.

Papalo rin ang engkuwentro ng UST (5-0) at San Beda (2-3) sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2 COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with